Itong video na to kong paano gumawa ng lukong method:
Ano ang lukong method?
Ang lukong method, ay tradisyonal na kung saan ginagamitan ng dahon ng saging na pwedeng pagpunlaan ng mga gulay na inililipat, tulad ng talong, petshay, sili at iba pa…

Paano gawin ang lukong method?
Mga gagamitin:
- dahon ng saging (banana leaves)
- kutselyo o gulok (knife or bolo)
- kahon ng binhi (seed box)
- sunog na ipa (rice hall)
- lupa (black soil)
Unang hakbang:
- Gumawa ng paglalagyan ng lukong method.
Ika-lawang hakbang:
- Kumuha ng dahon ng saging at hatiin ito sa gitna.
Ika-tlong hakbang:
- Sukatin ang lapad ng isang pulgada.

Ika-apat na hakbang:
- Bilugin ito ng dalawa o kung masmahaba paikutin pa ito, dapat nakapaloob ang makulay na parte ng dahon at pagkatapos tupiin at ipaloob dual ng dahon upang ito ay mailo.



Ika-limang hakbang:
- Pagkatapos tignan kung maayos ang pagkabilog nito.


kalamangan
Kalamangan:
- Madaling maililipat.
- Karagdagang pataba.
- Iwas gastos.
Di kalamangan:
- Hindi pangmatagalan.
Ito ay aming ibinabahagi para makaiwas gastos. At hindi na kailangan gumastos ng malaki, mapapadali narin sa paglilipat tanim.
salamat sa inyo!!!